Mga mall nag-adjust ng oras

Inihayag kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na ilang sa mga mall sa Metro Manila ay naglabas ng adjustment sa oras ng kanilang operasyon kahapon.

Dahil sa paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, kahapon ay nag-anunsiyo na ang SM Supermalls at Robinsons Malls, na kanilang ipatutupad ang adjusted mall hour mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi simula nga­yon araw (Marso 15).

Alas-siyete kagabi ay nagsara ang Metro Manila Ayala Malls dahil sa pakiusap ng pamunuan ng DTI.

Sinabi ng mga kompanya ng mga mall ang kanilang ginawang hakbang ay bahagi ng kanilang pagtalima sa ipatutupad na curfew ng mga awtoridad kasunod ng implementasyon ng community quarantine sa National Capital Region (NCR).
Pahayag pa ng mga ito layon nitong maprotektahan ang publiko mula sa COVID-19.

Ipapatupad ang ang curfew sa Metro Manila dakong alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw simu­la ngayon araw (Marso 15) hanggang Abril 14. ­(Armida Rico)