Nag-isyu ng safety at health advisory ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga manggagawa matapos kumpirmahin ng Department of Health na nakapasok na sa bansa ang novel coronavirus.
Sa Labor Advisory No. 4, inatasan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang mga employer at mga establisimyento para bigyan ng impormasyon ang kanilang mga manggagawa tungkol sa novel coronavirus at kung kinakailangan ay mag-adjust ng work scheme.
Hiniling din nito sa mga employer na panatilihin ang kalinisan sa kanilang mga establisimyento at maglagay ng disinfectant at sanitizer.
Pinamo-monitor din sa mga employer ang kalusugan ng kanilang mga ma
nggagawa partikular ang mga may lagnat at sintomas ng flu gayundin ang mga bumiyahe o nagtrabaho sa mga bansang apektado ng novel coronavirus.
Sa mga apektadong manggagawa na kinakailangang magbakasyon, maaari umanong ibawas ito sa kanilang taunang sick o vacation leave batay sa polisiya ng kompanya o sa ilalim ng collective bargaining agreement. (PNA)