Mga manggagawa naglambing ng libreng entrance sa SEA Games

Hiniling ng Associate­d Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Maynila, Subic, Clark at sa iba pang lugar sa Luzon na gawing libre ang pagpasok ng lahat ng Pilipino partikular sa mga ordinaryong manggagawa at kanilang mga pamilya na hindi kayang magbayad sa panonood ng mga laro.

“Mr. President, mara­ming mga manggagawa at kanilang mga pa­milya ang gustong makapanood ng mga laro at magpahayag ng kanilang home grown support to Filipino athletes and help build that home grown advantage they needed but they cannot afford the entire cost of watching the games. Baka ho puwedeng ilibre na lang ninyo ang entrance fee,” pahayag ni Alan Tanjusay tagapagsalita ng grupo.

Sa inisyal na ulat, ang mga tiket sa mga laro ay nagkakahalaga ng P300, P200 at P100. Ang mga presyo ng mga tiket sa pambungad na seremonya sa Sabado, sa ika-30 ng Nobyembre ay mula P1,000 hanggang P12,000 bawat tao. (Mina Aquino)