Daan-daang mga Manileño ang dumagsa sa dalampasigan ng Baseco sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng Pagkabuhay.
Mistulang resort ang eksena sa Baseco dahil nag-picnic ang mga pamilyang dumagsa dito at may mga nagtayo pa ng tolda para maging pananggalang sa matinding sikat ng araw.
Binalewala ng mga tao kahit na mahigpit na ipinagbabawal pa ang pagtampisaw sa dagat sa Baseco na bahagi ng Manila Bay na kasalukuyang isinasailalim sa rehabilitasyon.
Sabado pa lang ay marami na ang tao sa Baseco para magtampisaw sa dagat dito.