Dear Abante Tonite:
Simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine ay nagsulputan naman itong mga mapagsamantala sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Ang tinutukoy ko ay ang mga nagtatago at nagbebenta ng mga disinfectant, medical supply at personal protective equipment na mas mahal sa original na presyo nito.
Iyan po ang masaklap dito sa atin, hindi nawawala ang mga mapagsamantalang tao kahit sa gitna ng krisis. Mga wala silang konsensya. Sa kagustuhang kumita ng malaki ay hindi na isinaaalang-alang na kapwa Pilipino rin nila ang biktima ng kanilang panloloko.
Ang maipapayo ko naman sa ating mga kababayan ay huwag magpaloko sa mga ganitong klase ng tao.
Sa halip na tangkilikin ang kanilang mga inaalok na produkto ay isumbong nyo sa mga awtoridad para mabigyan ng leksyon at magdusa sa bilangguan.
Sa pamamagitan ng pagsusumbong at pagpapakulong sa mga taong ito baka magkaroon ng takot ang iba pa at mag-isip muna bago gumawa ng kalokohan.
Salamat po sa inyo Abante Tonite,
Rolando
Batangas City