Mga manufacturer ng ham, noche buena items humirit ng price hike

Humirit ng dagdag presyo sa mga noche buena items ang mga food manufacturer at meat processors.

Ayon sa mga meat producer, tumaas na ang mga raw material na kanilang ginagamit sa pagawa ng kanilang produktong karne na mula sa ibang bansa kung kaya humihirit sila ng karagdagang 12 porsiyento sa presyo ng kanilang mga produkto.

Ayon kay Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castello, maging ang mga manufacturer ng commercial ham ay humihirit na rin ng hanggang P10 dagdag presyo.

Sinabi ni Castello, na kanila munang pag-aaralan kung magkano ang posibleng presyo na maaaring idagdag sa mga hamon.

Iginiit ni Castello na hangga’t hindi naglalabas ng bagong suggested retail price ang kagawaran ay hindi maaaring magbago ang kanilang presyo.

Samantala, sinabi ng DTI na walang nakikitang dahilan para tumaas ang presyo ng mga ham dahil nananatiling mababa ang presyo ng mga lokal na karne. (armida d. rico)