Mga mayor bawal bumiyahe ‘pag may kalamidad — DILG

Ipinagbawal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbiyahe sa ibang bansa nang walang pahintulot at paghahain ng leave of absence ng mga alkalde at iba pang pinuno ng lokal na pamahalaan kapag may bagyo at iba pang kalamidad.

“Naglabas si Secretary Eduardo M. Año ng Memorandum noong Enero 4, 2019 para sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan na nagsasabing ang kanilang pinahintulutang travel authorities at/o leave of absence ay agarang binabawi sa panahon ng kalamidad.

Bilang tayo naman ay nagagabayan ng batas, ganap natin itong isasakatuparan upang tiyakin na ang ating mga lider ng lokal na pamahalaan ay naroon sa kanilang lugar kung saan sila inaasahan sa panahon ng kalamidad,” paliwanag ni DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya.