Mga millennial may 2nd chance para punuan ang bakanteng SK posts

May pagkakataon pa ang mga kabataang lider na tumakbo at punuan ang bakanteng posisyon para sa Sangguniang Kabataan (SK).

“Big deal ito. Only SK council is authorized by law to spend the mandatory 10 percent allocation of each barangay’s general fund,”
pahayag ni Iligan City Rep. Frederick Siao na miyembro ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Ayon kay Siao, may tsansa pa ang mga youth leader sa barangay level na makapagsilbi sa kani-kanilang komunidad.

Nag-isyu ng memorandum ang Department of Interior and Local Government nitong Disyembre 20, ng kasalukuyang taon para aprubahan ang pagdaraos ng Sangguniang Kabataan special elections sa susunod na taon.

Idaraos ang SK special polls sa Enero 19, 2019.

“Those who missed the chance to be voted upon last May have this second chance now. The delivery of basic services for the youths in barangays will be in jeopardy if barangays will have incomplete SK councils. The 10% of the barangay general fund is a big deal, especially in areas where there are many young residents,” paliwanag ni Siao. (A­ries Cano)