Mga NCAA volleyball game kinansela dahil sa ashfall

Kinansela ang mga laro ngayong araw, Ene­ro 13, sa NCAA Season 98 Women’s Indoor Volleyball Tournament 2020 first round eliminations dahil sa kumakalat na abo mula sa pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas Linggo ng gabi.

“Due to cancellation of classes by some LGU-’s including Manila, NCAA volleyball games for Monday, 13 January 2020 are cancelled. Please be guided accordingly. Thank you,” pahayag ni National Collegiate Athletic Association ManCom Chairman Peter Cayco ng Arfellano University.

Nakatakda sanang maglaban ngayong araw ang defending champion Arellano Lady Chiefs-EAC Lady Generals para sa opener ng double-header kasunod ng giriang CSB Lady Blazers-Mapua Lady Cardinals.

Ilan na sa mga Local Government Unit na mga nagkansela ng klase dahil sa ashfall ay ang Maynila, Makati, Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Pasig, marikina, San Juan, Mandaluyong. Pati sa Cavite, Bataan, Batangas, Laguna at iba. (ADE)