Mga negosyante sa Baguio mapapasabak na ngayong Hunyo

Kanya-kanyang paghahanda na ang mga negosyante sa Baguio City.

Ito ay bilang bunsod na rin sa nakatakdang pagbubukas ng iba’t-ibang negosyo sa susunod na linggo.

Sa ulat, napag-alaman kay Baguio City Licensing Officer Allan Abayao na nakipag-ugnayan na sila sa kinauukulang ahensiya hinggil sa ilang establisyimentong puwede nang buksan.

Gayunman, tiniyak nito na kahit na pahihintulutan nang buksan ang ilang negosyo ay maghihipit pa rin ang mga awtoridad sa pag-iinspeksyon kung saan magiging katuwang nila sa isasagawang seguridad ang Department of Trade and Industry bilang proteksyon na rin sa pananalasa ngayon ng coronavirus.