Mga netizen ‘di kumbinsido sa G3 WIN ng Ateneo

Mga netizen ‘di kumbinsido sA G3 WIN ng Ateneo

Tabla na sa tig-1 panalo ang Sto. Tomas Golden T­igresses at Ateneo Lady Eagles tapos magwagi ang huli sa una, 26-24, 14-25, 25-21, 25-15, sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament best-of-three finals series Miyerkoles ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Sa third set ‘di inaasahang na-injured si Rookie of the Year Ejiya ‘Eya’ Laure nang matapakan ang paa ni Best Opposite Hitter Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino sa paglanding.

Tuluyang nanghina ang USTe kaya naman ‘di naiwasan ng mga netizen na idahilan ang pagkapilay ng kanilang super rookie sa pagkatalo kontra Ateneo.

Sa tweet ni NathanielMD (@NathanielAnes): “How can you be so celebratory with your win when you know your opponents team was down with an injury? Rise up Tiger and Growl harder!!!!! #UAAPSeason81Volleyball #UAAPVolleyballFinals.”

Ganito rin ng dinahilan ni Margo04 (@Margo046)

“#UAAPSeason81VolleyballFinals kung hindi na-injured si Eya Laure baka champion na tas binabantayan pa si Sisi Rondina.”

Pero kinontra naman ni UAAP Confessions (@UAAPconfessions) ang mga rason ng UST fans, “nanalo daw Ateneo dahil na injured si Eya..mahiya naman kayo kay Sisi..kung wala si Eya di niyo na kayang lumaban??? ale fan ako pero big no no ang sinasabi niyo. may mvp pa kayo oh!!”
‘Di naman malala ang bali ni Laure dahil muli pa itong nakabalik sa laban kahit iniinda ang mild left ankle injury.

Bilib si Josiah M. A­lbelda (@_josiahalbelda) sa ipinakitang tapang ni Laure, “Eya Laure just showed once more why she is one of the most special players of this generation. Grabe ang fighting spirit.”

Para pa sa isang fan, nakikita nito kung gaano kalaki ang pusong taglay ng isang Sisi Rondina at Eya Laure para UST.

“Sisi Rondina’s effort to carry her team reminds me of Aiza Maizo in Season 73. Eya Laure coming back despite an ankle injury reminds me of he ate Ej. I love you 3000 @Rondina011 @eyalaureee !! Atin to #WalangIwananUST #KamiNaman #GoUSTe #Laban #UAAPSeason81Volleyball,” tweet ni Vyj Ly (@vyjlyquicker02)

Sa Sabado magpapasiklab ang dalawang koponan sa do-or-die Game 3 sa MOA sa Pasay pa rin. (Janiel Abby Toralba)