Mga netizen duda sa Carlo-Angelica lambingan

CarGel, Carlo Aquino at Angelica Panganiban

tonite-pak-allan-dionesNgayong araw na ‘to, January 27, ang itinakdang ‘date’ nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

After ng mga hanash ni Angelica about Carlo na kesyo lalayuan na niya ito at kung anik-anik pa, biglang okey na ulit sila at nag­lalambingan na ulit nu’ng isang araw.

Si Carlo, matapos ang matagal na pananahimik na walang paramdam sa social media at ang pagputok ng balitang may non-showbiz girlfriend siya, biglang heto’t nagbi-video sa Instagram Stories pa mismo ni Angelica.

Umpisang hirit ni Carlo, ibi-video niya ‘yon dahil may itatanong siya kay Angelica at dapat ay documented ito.

Tapos ay niyaya niya ng date si Angge habang panay ang tawanan nilang dalawa.

Carlo: “Yayain kitang lumabas ha? Date-date, gano’n.”
Angelica: “Bakit?”
C: “Bakit hindi?”
A: “Bakit muna?”
C: “Lalabas lang tayo, gano’n. Yayain lang kita mag-date.”
A: “Kakain, gano’n?”
C: “Quality time.”
A: “Weh?!”

Tapos ay kiyemeng sinampal ni Angge si Caloy, kaya ang sabi nito, “Ayan na siya, nananakit na siya! Kitang-kita n’yo po kung pa­ano niya ako ginaganyan!”

January 27 ang petsang binigay ni Carlo para sa date nila, kaya naaliw si Angelica na reding-ready ito at may napili na tala­gang petsa.

C: “Game, ah? January 27?”
A: “Basta kakain.”
C: “Sige.”
A: “Game.”

Pagkatapos ay si Angelica naman ang nag-video sa IG Stories ni Carlo habang kumakain ito sa isang tabi.

“Ang yummy! Ang sarap! Ang sarap, oh! Nu’ng chicken,” tatawa-tawang kantiyaw ni Angge habang nagbibidyo.

“Huwag mo akong abalahin, kumakain ako,” sey ni Carlo.

A: “Akala ko ba magdi-date tayo?
C: “Gusto mo na ba?”
A: “Oo. Ang tagal ng 27.”
C: “Hintayin natin ‘yung 27.”
A: “O, pakita muna ng arms. Ang sarap ng arms!”
C: “Sa 27, sa 27!”

Saya-sayahan na naman ang dalawa kaya kilig-kiligan ang mga CarGel fan sa kulitan at lambingan ng mga ito. Pero tila mas marami ang nainis dahil nagpapakyut na naman daw si Carlo.

Bistado na raw si Carlo na may ibang babae, so dapat daw panga­tawanan ni Angelica ang paglayo rito.

Kung ano-ano ang pinagsasasabi ng mga netizen against Carlo, na kesyo para raw sa career nito at dahil may concert itong pino-promote kaya ginagamit na naman nito si Angge.

Kalerky! Mag-away man o magkabati ang CarGel ay may masasabi at masasabi ang mga faney.

In the end ay sina Angelica at Carlo lang ang nakakaalam kung anong totoong sitwasyon nila. Kung masaya sila sa mga kulitan at harutan nilang gano’n ay walang magagawa ang mga basher.

At kung nag-eetchosan lang ang dalawa sa date-date nila na ‘yon ay buhay na nila ‘yon at bahala na sila!

Kiko kay Devon: She is the woman of my dreams

Tuloy pala ang pagbabalik ni Kiko Estrada sa ABS-CBN dahil naayos na ang mga dapat ­niyang ayusin sa lalayasan niyang GMA.

Nagpasalamat si Kiko sa lahat ng ginawa sa kanya ng Kapuso network, pero excited daw siyang bumalik sa ABS at tuloy na siya sa teleser­yeng “Kapalaran” na bida sina JM de Guzman at Arci Muñoz.

Maiiwan ni Kiko sa GMA ang girlfriend niyang si Devon Seron, pero may nagawa pala silang short film na “Man in my Dreams” para sa Mowelfund.
So, siya nga ba ang man of Devon’s dreams?

“She is the woman of my dreams!” sagot sa amin ng binatang inlabey.

Sobrang saya raw sila ngayong inamin na nila ang tungkol sa relasyon nila.

Malapit na ang first Valentine’s Day nila together pero everyday naman daw ay Valentine for them.

Wala raw plano-plano si Kiko sa araw na ‘yon, kung anong maisipan nilang gawin, go lang. Kung gusto ni Devon na mag-beach, mag-Tagaytay o mag-Baguio ay punta agad sila basta wala silang trabaho.

Si Kiko ang gumaganap na younger Robin Padilla, na bida sa biopic na “Bato: The General Ronald dela Rosa Story” na showing sa mga sinehan sa January 30.