Mga netizen na-inspire sa pagtatapos ni Pacman

Proud at inspired ang mga netizen sa achievement ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao. Patunay umano siya na hindi hadlang ang edad para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nitong Miyerkules, December 11 ay nagtapos si Senator Pacquio sa kursong Political Science Major in Local Government Administration sa University of Makati.

Bumilib ang mga netizen sa pagpupursige ni PacMan na pormal na makapag-aral para makapagsilbi sa bayan. Isa umano siyang magandang ehemplo sa mga Pilipino.

Nag-post sa Instagram si Senator Pacquiao at inialay ang kanyang diploma para sa asawa’t mga anak.

Nagbigay siya ng mensahe na hindi pa huli ang mangarap. Aniya, “Let us engrave this in our hearts: It is never too late to dream bigger dreams. It is never too late to accomplish our dreams. LIVE YOUR PASSION, not just for yourself, but for your family and for our country.”

Inulan ng papuri mula sa mga netizen ang panibagong tagumpay na nakamit ng Boxing Champ.

@KhayYummso Flourainteano Deansea, “ Congratulations Senator Manny we are so happy and proud of another achievement. You are good example of our fellow Filipino. Truly God’s works amazingly in your Life. God bless you.”

@MelySarach, “Congrats Sen Manny, you are a shining example to many…young and not too old! I hope the youngsters can learn much from you. God bless you”

@KennixWapili, “Congrats po Sir Senador Manny..We Filipino are so Proud of You..May God Bless You Always and Your Family..Stay Humble and A Good Leader to Us Filipino..Salamat sa imoha.” (Rona Ronda)