Mga New Year’s Resolution na hindi nawawala sa listahan

Tila hindi kumpleto ang pagsalubong natin sa Bagong Taon kung wala tayong New Year’s Resolution. Magawa man natin o hindi ang mga inilista na­ting New Year’s Resolution ay patuloy tayong aasa at maglilista sa susunod na taon hanggang sa mapagtagumpayan natin ito. Pero ano-ano nga ba ang mga resolusyong hindi nawawala sa listahan ng karamihan? Narito ang ilan:

1. Lose weight. Ito na siguro ang numero uno sa listahan ng maraming tao. Isineset na natin ang mind natin na magda-diet na talaga tayo para ma-achieve natin ang strong and sexy body na pinapangarap ng lahat lalo na ng mga kababaihan. Hindi ito madali subalit trying hard pa rin ang karamihan.

2. Save money. Hindi rin madali ang isang ito. May mga nagsasabi na kapag daw lumalaki ang iyong kita ay lumalaki rin ang mga bayarin kaya naman mukhang imposible talaga ang makapagtabi ka. Pero wala namang imposible sa taong nagpupursige kaya push lang mga besh at magagawa rin natin ito. Tiwala lang.

3. Quit smoking, drink less. Kasama ito sa listahan ng mga adik sa alak at sigarilyo. Pero kapag naadik ka na, ang hirap talagang iwasan, unless meron kang inspirasyon na gagabayan at sasamahan ka para sa resolution na ito.

4. Be kind. Marami na ang sumubok sa resolution na ito. Marami na rin naman siguro ang nagtagumpay. Mahirap maging mabait kung ikaw ay napapalibutan ng mga negatibong tao pero magiging madali lang ito kung i-eenjoy mo lang ang buhay na ikaw ang bida at magiging positibo sa kabila ng mga pagsubok.

5. Find new job. Para sa mga walang trabaho, ito ang resolus­yon na gustong-gusto nilang magawa para sa pagpasok ng Bagong Taon. Sino ba ang gugustuhin na maging tambay at pabi­gat? Siyempre mas gusto natin na tayo ay kumikita at nabibili ang mga gusto natin, natutugunan ang mga pangangailangan at nakakatulong sa pamilya. (Geraldine Monzon)