Mga Noranian galit kina Pip, Boyet

Hanggang nga­yon, hindi pa rin maka-get over ang mga Nora­nian sa naging reaksyon nina Tirso Cruz III at Christopher de Leon sa mu­ling pakikipagtrabaho umano nila sa Superstar Nora Aunor.

Nagsimula kasing umugong ang nasabing balita nang sabihin ng multi-awarded director na si Joel Lamangan na may proyekto siyang nakalaan para sa tatlo.
Natanong dito ang dalawang beteranong actor at sa halip na matuwa ay pagkikibit-balikat ang naging reaksyon ng mga ito.

Hirit pa ng mga Noranian, hindi rin nila nagustuhan ang sagot ni Boyet sa tanong na “Magkano?” at sa facial reaction ng pagtatawa ni Pip ukol rito.
Feeling din nila, nabastos ang kanilang idolo.

Maging ang kanilang mga esposang sina Lynn Ynchausti at Sandi Andolong ay damay sa galit ngayon ng mga Noranian. Feeling nila ay pinagkakaisahan umano ang kanilang idolo. (Archie Liao)