Patuloy ang pakikipagtulungan ng komunidad ng sports sa paglaban ng bansa kontra COVID-19.
Umayuda ang ilang National Sports Association (NSA) sa isinasagawa naman ng Philippine Sports Commission (PSC) na suporta at pakikiisa para mapigilan coronavirus disease 2019 pandemic sa pamimigay ng face mask at shield sa mga frontliner sa Rizal Memorial Complex sa Manila at PhilSports Complex sa Pasig.
Nagpadala ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. (SRAPI), Philippine Sepaktakraw Association Inc. (PSAI) at Philippine Swimming Inc. (PSI) ng mga kagamitan para sa empleyado ng ahensiya ng gobyerno sa sports na nakatalaga sa dalawang sports complex na pinamamahalaan ng PSC.
Binitbit nina skateboarding president Carl Sambrano, sepak takraw chief Karen Tanchanco-Caballero at swimming head Lailani Velasco ang face shields para sa mga PSC personnel sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum ng TMSC, at sa Philsports Arena sa Pasig, na katatapos lang gawing pansamantalang mga medical facility para sa COVID patients.
Ipinadala ni Tanchanco-Caballero ang face masks sa PhilSports habang sina Velasco at Sambrano ay Rizal.
Atinanggap ang mga face shields sa Rizal ni PSC Assistance and Coordination Division & Frontliner Personnel chief ni Manuel Bitog. (Lito Oredo)