Mga nuisance candidate parusahan — Gatchalian

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga kapwa mambabatas na madaliin ang pagpapasa ng panukala laban sa mga nuisance candidate.

Sa kanyang Senate Bill 911, nais ni Gatcha­lian na amiyendahan ang Sections 69, 261, at 269 ng Omnibus Election Code.

Iginiit ni Gatchalian na dahil ministerial duty lamang ang pagtanggap ng Commission on Elections (COMELEC) ng mga certificate of candidacy, maliwanag na sinasayang lamang ng mga indibidwal na wala namang kakayahang maglunsad ng malawakang kampanya ang panahon at mga resource ng ahensiya.

“Nakita naman natin ‘yong mga kumandidato na alam mo namang hindi talaga seryoso o trip-trip lang ‘yong pag-file, like for example si Jesus Christ na taga-Cebu at saka ‘yong mga ex daw nina Kris Aquino at Mocha Uson. May King of Maharlika pa nga raw. Sana naman ay hindi nila babuyin ‘yong proseso,” saad ni Gatchalian.