Mga OFW bumuo ng kanta para sa Wuhan

Isang nakaantig na awitin ang binuo ng grupo ng Overseas Filipino ­Workers (OFWs) patungkol sa coronavirus outbreak sa Wuhan, China.

Ito ay ang #BangonWuhan#AwitNgPagkakaisa#OFWS na sama-samang inawit ng mga Pinoy workers.

Sa isinulat na awitin, sinasabing sa taong 2019 buwan ng Disyembre nang magsimula ang corona virus sa Wuhan, China. Doon umano nakita ang tunay na malasakit at tapang ng mga Filipino.

Base sa lyrics ng awitin, sa gitna umao ng pagsubok, nasilayan ang tunay na damdamin at nagkaisa ang lahat sa pagtulong sa kapwa at pagmamahal ng bawat isa.

Hinikayat din sa binuong kanta ng mga Pinoy ang mga taga-Wuhan na bumangon at tayo’y magkaisa at wag isipin ang pagkakaiba ng lahi at ­magsama-sama.

Ang lyrics ay binuo nina Tisoy (Joel) at Cherrie at ang arranger at video editor ay si Wlifredo Ortega Jr. (Pidotzki) na ipinalabas sa YouTube ng ­vlogger na si JB. (Dolly Cabreza)