Mga pabida celeb sapul kina Tito, Joey

NI: ARCHIE LIAO

Sumasang-ayon si Joey de Leon sa viral post ni Tito Sotto . Ito’y tungkol sa mga celeb na tumutulong sa mga naiipit sa COVID-19 pandemic.

Sinabi kasi ng senador na bagamat kapuri- puring bagay ang pagtulong sa panahon ng coronavirus pandemic ,maituturing namang makasarili ito kung ang tumutulong ay panay ang post ng kanyang ginagawang ayuda sa social media.

Hirit pa ng Senate President, mas naa-appreciate daw niya ang mga taong low profile lamang . Hindi ‘yung ipinagmamalaki o ipinangangalandakan ang kanilang pagtulong sa kanilang kapwa.

Sumegunda naman dito ang Dabarkads niyang si Joey de Leon at sinabing maraming nasapol ng kanyang post.

May mga sumang-ayon naman sa obserbasyon ng dalawang TV host ng Eat Bulaga.

Sa kaso naman ng ibang mga netizen,wala silang nakikitang masama sa pagpo-post nina Angel Locsin, Bela Padilla , KC Concepcion, Pokwang sa kanilang ginagawang pagtulong . Mainam daw ito dahil nagsisilbing inspirasyon sila para pamarisan ng kanilang kapuwa artista