Hindi na lang makakatuon ang mga mahuhusay na kabataang atleta na maipamalas ang kanilang talento sa pagwawagi ng mga gold medal sa Palarong Pambansa kundi pati na rin sa mga internasyonal na torneo.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez na simula sa isasagawa ngayong taon o ika-62 edisyon nito Davao City, nakatakda nang sanayin at paghandain ang mga makikitang mahuhusay na batang atleta mula sa Palaro para isabak sa kompetisyon din sa labas ng bansa.

Ipinaliwanag ni Ramirez na ang mapipiling mga atleta ay isasailalim sa direksyon ng PSC at Department of Education (DepEd) matapos ang pagsasagawa ng pinakamalaking pambansang torneo ng mga estud­yante sa ele­mentary at high school sa Abril 28-Mayo 4.

“All these outstanding athletes will trained and handed by our accredi­ted national coaches and then will be sent to compete in ASEAN Schools Games, Southeast Asia at Asian meets,” ani Ramirez.

Ito ay matapos na magkasundo ang PSC at DepEd na bumuo ng pool sa mga madidiskub­reng talento mula sa Palaro.
Makikipagtulungan din ang dalawang ahensiya sa Department of Health, Technical Education and Skills Development Authority, Commission on Higher Education at Armed Forces of the Philippines para masanay ang kabataan.