1. Ugaliin ang pagdarasal. Ayon sa mga eksperto, ang taong madasalin at may matibay na pananalig sa Diyos ay pinagkakalooban ng mahabang buhay. Ito ay dahil sa tiwala niya na siya ay may misyong dapat gampanan sa mundo at hindi siya maaaring mawala hangga’t hindi niya ito nagagampanan.

2. Magpabakuna. Ang pagpapabakuna ay isang mabisang sandata laban sa mga karamdaman na akala natin ay hindi ganoon kalala. Kung tayo ay may bakuna laban sa mga sakit na ito ay malaki ang posibilidad na hindi tayo tamaan ng sakit at mapanatili natin ang malusog na pangangatawan.

3.Mag-ehersisyo. Ang pag-eehersisyo ay isang paraan na dapat nating makasanayang gawin. Ma­laki ang naitutulong nito sa pagpapanatili ng magandang pangangatawan at maa­yos na kalusugan. Kaya dapat lang na huwag natin itong kakalimutan. Kapag may ma­ayos tayong pangangatawan ay makakaiwas tayo sa mga panghihina dulot ng iba’t ibang karamdaman.

4. Maging masayahin. Madalas nating mari­nig na ang pagiging masayahin ay sadyang nakakapagpahaba ng buhay at nakakapagpabata sa ­paningin. Ang palaging pagngiti ay nagdudulot ng kakaibang pagbabago sa loob ng ating katawan at ito ay nagre-reflect sa ating mukha.

5. Umiwas sa mga bisyo. Ang tao na walang kabisyo-bisyo sa katawan ay may mas malaking posibilidad na mabuhay nang matagal kaysa sa tao na maraming bisyo tulad ng alak, sigarilyo gayundin ang pagsusugal. Lahat ng ito ay nakakasama sa ating katawan. Stress naman ang idinudulot ng pagsusugal lalo na kung ikaw ay natatalo dahilan para kumunot ang iyong noo at sumama ang pakiramdam.

6.Huwag makipag-away. Ang pakikipag-away ay nakapagdudulot ng sobrang stress. Para itong napakalaking problema na mabigat dalhin sa dibdib at dapat lang na pakawalan upang gumaan ang pakiramdam.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa pangkaraniwan subalit napaka-epektibong pamamaraan kung paano tayo magkakaroon ng mahabang ­buhay. Napakadaling gawin ang mga pamamaraan na ito at hindi mo na kailangan pang gumastos. ­