May ilang simpleng “antidote” na ipinayo ang public health educator na si Dr. Rafael Castillo na nasubukan na aniyang effective sa mga pasyente at hindi na kailangang bigyan pa ng mga anti-depressants o ma-refer sa mga psychiatrist.
Isa sa magandang antidote ay ang pag-e-exercise araw-araw.
May mga “happy” hormones aniya na tawag ay endorphins na nare-release kapag nag-eehersisyo ang isang tao kung saan daig pa umano nito minsan ang gamot.
Maglista ng 3-5 small tasks na kailangang gawin araw-araw. Pagsapit ng gabi, kapag nagawa ang lahat, purihin ang sarili at bigyan ng reward o maliit na prize.
Punuin ng pasasalamat (gratitude) ang isipan. Ilista lahat, maliit o malaking bagay na gustong ipagpasalamat sa Diyos, gayundin ang mga taong ginamit Niya para matamo ang blessings.
Kung ‘di pa rin maibsan ang kalungkutan sa mga nabanggit na antidote, para maagapan ang depression lalo na sa mga may suicidal tendency ay magpatingin na agad sa psychiatrist para makainom ng tamang gamot o anti-depressants at sumailalim sa psychotherapy.
‘Wag ding kakalimutang magdasal para mabigyan ng lakas at kayanin lahat ng pagsubok sa buhay.