Walang sinuman sa atin ang gugustuhin na managinip ng masama o yung tinatawag na bangungot. Pero siguradong marami sa atin ang gustong makontrol ang panaginip. Narito ang ilang paraan.

1. Gumamit ng dream journal. Isang notebook lang at ballpen na magsisilbing talaan ng iyong panaginip. Ilagay ito sa ilalim ng iyong unan nang sa gayon ay agad mong maisulat ang mga panaginip na naaalala mo pa pagkagi­sing mo. Kung hindi maganda ang iyong napanaginipan ay lagyan mo ito ng x mark at tsek naman kung maganda.

2. Isulat ang mga gusto mong mapanaginipan. Maaari mong idetalye ang panaginip na gusto mo at maari din itong samahan ng drawing. Titigan mo ito bago ka matulog at hanggang sa ikaw ay makatulog. Ito ang dapat na maging huling laman ng isipan mo at hindi ang horror movie na pinanood mo o kaya ay ang nakaka-stress na problema sa trabaho.

3. Maging mulat sa pagitan ng pana­ginip at katotohanan. May mga panagi­nip na akala mo ay gising ka na, pero big­la ka na lang ulit magigising mula sa isa pang panaginip. Kailangan mong ma­ging alisto. Igala mo ang iyong paningin at maghanap ng ebidensya na ikaw ay totoong gising na o nasa loob pa ng iyong panaginip. Kung sa tingin mo ay nana­naginip ka pa, mag-isip ng magagandang bagay na gusto mong makita o mangyari, isipin mo rin ang mga tao na nakakapagpasaya sa’yo at huwag bibigyan ng puwang ang negatibo.

4. Isaisip muli ang magandang panaginip. Kung nais mo namang mapanaginipan ulit ang magandang pana­ginip na iyong naitala ay paulit-ulit itong basahin. Itatak ito sa imahinasyon. Sa iyong pagdarasal bago matulog ay hilingin sa Diyos na muli mo itong mapanaginipan.

5. Practice makes perfect. Kung ilang beses ka ng nakaranas ng lucid dreams, o yung panaginip kung saan alam mo na ikaw ay nananaginip lang at meron kang kakayahang kontrolin ang nasa paligid mo, kailangan mong pagsanayan pang mabuti kung paano ka magkakaroon lagi ng lucid dreams upang masanay ka na sa pagkontrol nito.