Mga pasahero ng eroplano nabawasan sa COVID-19 scare

Bumagsak ang bilang ng mga pasaherong dumarating at umaalis sa mga pali­paran ng bansa dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inihayag ni Manila Internatio­nal Airport Authority (MIAA) General Ma­nager Ed Monreal sa ginanap na econo­mic briefing sa Malacañang.

Ayon kay Monreal, lumitaw sa kanilang record na umabot sa 16% ang ibinaba ng bilang ng mga pasahero mula Enero 25 hanggang Pebrero 17, 2020, katumbas ng tinata­yang 300,000 na mga pasahero mula sa iba’t ibang paliparan sa bansa.

Bukod sa mga international flight, apektado rin aniya ang mga domestic flight dahil sa banta ng COVID-19 at tinatayang nasa 50,000 namang mga pasahero ang nabawas mula sa mga umaalis at dumarating na mga pasa­hero.

“Base sa aming pagtatala, umabot na sa 16% ang kabawasan ng ating pasahero. Nagbawas din ang domestic travel ng around three percent in terms of passenger impact. Nabawasan din po ang mga flights ng 22% ang inbound at outbound flights matapos kanselahin ang mga biyahe sa China, Macau, Hong Kong at Taipe, Taiwan,” ani Monreal.

Umaasa naman ang opisyal na makakabawi ang bansa matapos ang temporary lifting ng travel ban sa Taiwan. (Aileen Taliping/Eileen Mencias)