Mahigpit na pinababantayan ng Philippine Sports Commission (PSC) kasabay ang pagpapaalala sa lahat ng mga national sports associations (NSAs) ang istriktong pangangalaga sa kani-kanialng mga national athlete at coach.

Kahit walang tinukoy na mga asosasyon, naglabas ang government sports agency na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez, ng advisory sa mga NSAs matapos makakatanggap ng mga ulat na nakakalimot sa disiplina ang ilang athletes at coaches na mga sumusuway sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) guidelines na pinalawig sa Luzon hanggang Abril 30.

“The PSC is urging all NSAs to closely monitor the activities of their athletes and coaches to ensure their welfare and well-being,’’ giit ng PSC advisory.

Una nang tinagubilin sa quarantine guidelines, na ang national athletes at coaches ay dapat na mahigpit na tumalima sa lockdown, gaya sa hindi mahalagang paglabas o pagbiyahe pati na rin ang malapitan na interaksiyon dahil na rin sa pinapatupad ding physical distancing.

Pinanapos ng PSC memo na kailangang “stay at home” lang ang mha player at coach.

Wala pa namang naiuulat na atleta o coach na nahawakahan ng nakamamatay na coronavirus disease 2019. (Lito Oredo)