Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na nakareserba na ang pagkukulungan ng mga pasaway na patuloy na lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ) sa mas pinaigting na operasyon ng pulisya dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“We will file a case against them and then we will reserve appropriate confinement areas to arrest all those who violate the guidelines,” pahayag ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa sa isang panayam sa radyo kahapon.

“You will surely be detained and could be in detention for a longer time and you will be mixed with other offenders,” dagdag pa ng opisyal.

Sa ngayon ayon pa kay Gamboa ay mayroon ng mahigit 136,000 ECQ violators sa buong bansa.

Sa ngayon ay nag-implimenta na ng mas mahigpit na pagbabantay sa ECQ ang pulisya sa Metro Mnaila, Region 3 (Central Luzon), at Region 4-A (Calabarzon).

Bukod dito ay nagpakalat na rin ng 116 Special Action Force troopers ang PNP na tutulong sa pagbabantay sa 10 lugar sa Metro Manila na may mataas na ECQ violators.

Nanawagan din si Gamboa sa mga local government units (LGUs) na magpasa ng mga ordinansa para sa mas mabigat na parusa o pagmumulta sa mga pasaway sa ECQ.

“Baka madala na , hindi na kailangang arestuhin,” pahayag ni Gamboa.(Edwin Balasa)