Mga PBA team papawis – Marcial

Kume Marcial:PBA babalik sa Dubai

Kasalukuyang pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na ilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila bago matapos ang Mayo.

Kaya naman inaasahang makakapagpapawis na ang mga koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) kung sakaling ibaba ng IATF ang restrictions pati sa sports.

Sakaling pumabor ang desisyon ng IATF sa sports, makakapagsimula na ang PBA teams para sa kanilang gym workout sessions kahit na paunti-unti muna hanggang tuluyang alisin angquarantine extension.

Malaki ang posibilidad na ibaba ang restriction pero hindi pa rin masiguro kung tuluyang papayagan na ang sports events gaya ng 45th PBA season.

Ito ay matapos ipaalam ng Metro Manila Council, na binubuo ng 17 alkalde ang pagbaba pa sa modified enhanced community quarantine (MECQ) tungo sa general community quarantine (GCQ).

Base sa GCQ guidelines, papayagan nang maisagawa ang ilang sporting events.

“Mass gatherings such as, but not limited to, movie screenings, concerts, sporting events, and other entertainment activities, community assemblies and non-essential work gatherings shall be allowed provided that participants shall be limited to 50-percent of the venue or seating capacity,” ayon sa IATF.

Isang masayang balita ito sa PBA na umaasang makakapagsimula nang magpakundisyon.

“Unti-unting balik sa normal ang plano ng gobyerno, at ‘yun din naman ang tinitingnan ng PBA. First is the set of guidelines for the return to practice. Under the GCQ, allowed na ang gathering ng small group, so baka naman pwede na rin mag-work out ang team ng four or five players per session,” sabi ni PBA commissioner Willie Marcial.

Sa kasalukuyan ay kanya-kanya lang ang paghahanda ng mga player sa loob ng kanilang bahay sa paggabay ng kanilang trainers via online. (Lito Oredo)