Mga Pinay, Brazilian adik sa Pornhub

Mga Pinay Top 20 viewer ng PornHub

Nangunguna ang mga Pinay at Brazilian sa mga babaeng visitor ng isang sikat na porn site.

Batay ito sa 2019 Year in Review na inilabas ng Pornhub kung saan ipinakita na 39% ng mga babaeng visitor sa kanilang site ay mula sa Pilipinas at Brazil.

Sa kalalakihan, kapantay rin ng mga Pinoy ang mga lalaking Brazi­lian sa mga nangungunang visitor ng Pornhub matapos makakuha ng tig-61%.
Nabatid din na 91% ng mga Filipino visitor ng Pornhub ay gumagamit ng mobile phone habang ang iba ay sa kanilang desk top at tablet.
Nasa top spot din pagdating sa mga search ang ‘Pinoy’ at ‘Pinay’.

Sa oras na ginugugol sa Pornhub ay puma­ngalawa ang Pilipinas sa Thailand na may 11 minuto at siyam na segundong ‘naglilibang’ sa naturang porn site.