Mga Pinay DH lalayas sa HK ‘pag tinabla ang 25% pay hike

ofw-kuwait-balik-pinas

Hiniling ng top diplomat ng Pilipinas sa Hong Kong government na itaas ang minimum monthly wage ng mga domestic helper (DH) dahil sa pagtaas ng bilihin doon.

Nagbabala pa si Consul General Antonio Morales na kung hindi itataas sa HK$5,500 (P36,652) ang buwanang sahod ng mga DH, hindi malayong maglipatan sila sa mainland China dahil sa mas mataas na suweldo doon.

Umaabot lang sa HK$4,410 (P29,388) ang minimum monthly wage ng mga DH sa Hong Kong.

“The monthly minimum wage has to be adjusted to reflec­t the rising cost of living, the higher inflation rate and the like,” giit ni Morales

“I think that sometimes you cannot fight market forces. People will go where there are better opportunities, higher pay and better working conditions,” babala pa niya.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, hindi naiparating ni Morales sa regular meeting noong Abril, sa mga opisyal ng Hong Kong government ang usapin ng pay hike, kaya posible itong talakayin sa susunod na meeting.

Nauna rito ay sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na posibleng magpadala ang gobyerno ng 200,000 Filipino sa China upang magtrabaho doon bilang mga domestic helper, cook, caregiver, nurse, musician at teacher.

Ang mga English teacher ay susuwelduhan umano ng HK$11,800 (P78,635) kada buwan. Magiging prayoridad ang mga domestic helper na nagtrabaho sa Pilipinas bilang guro.
Marami nang Filipina domestic helper sa China at sumasahod sila ng 7,000 yuan (P57,407) kada buwan.

Higit sa 370,000 ang fo­reign domestic helper sa Hong Kong at kalahati nito ay mga Filipino.

Kaugnay nito, tinukuran na­man ni Emman Villanueva, spokesman ng Asian Migrant’s Coordinating Body, ang 25 percent wage hike ng mga DH.

Mula 1998, umaabot pa lang sa HK$550 ang nadagdag sa sahod ng mga domestic helper.

Tinukuran din ni Eni Les­tari, chair ng International Migrants Alliance, ang hinihinging dagdag sahod ng mga domestic helper.

“With China offering better wages, Hong Kong is at stake (of losing workers). The minimum wage needs to go up for the workers to feel happy to stay in Hong Kong. The cost of living has been rising,” saad ni Lestari.

Tutol naman si Betty Yung Ma Shan-yee, chairwoman ng Employers of Domestic Helper­s Association sa hinihinging dagdag sahod ng mga domestic helper.

“You need to think about the lower-income families who have domestic helpers. The employers are paying for their workers’ meal expenses even when they are on their day off,” katuwiran pa niya.