inatasan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang DENR personnel sa Baguio City na tugunan ang magsisimatay na mga pine tree sa Baguio City.
Ang kautusan ay ginawa ni Cimatu matapos mapansin nang dumalo ito sa
Philippine Military Academy (PMA) alumni homecoming na may pine tree na ang natuyo.
“I counted the number of dying pine trees. I counted more than 100. We might be losing the pine trees in Baguio,” pahayag ni Cimatu kung saan ang nabilamg umano niyang nangangamatay nang pine tree ay sa lugar lamang kung saan sila naglalaro ng golf.
Ani Cimatu magsasagawa ng pag-aaral ang DENR sa mga pine tree sa Baguio City at gagawa ng aksyon para matugunan ito.
“Kung wala ang pine tree sa Baguio City ay paano nang maging City of Pines ito, we have to do something about it” dagdag pa ni Cimatu.