Nangangamba si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na malalagay sa panganib ang privacy ng mga ­Pilipino kasunod ng pag-amin ng Malacañang na wiretapped information ng ibang bansa ang ­batayan ng kanilang narco-list.

Una nang inamin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na galing sa China, Israel at ­Estados Unidos ang mga impormasyon hinggil sa 82 narco-politiko.

Ayon kay Lacson, mas nakakatakot na ibang gobyerno pa ang nagmamanman sa mga galaw ng mga Pinoy sa halip na mismong mga awtoridad natin.

“If the government continues to show acquiescence, our privacy becomes vulnerable, not from own government but from other jurisdictions which makes it even worse,” saad ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na kahit ­saang anggulo tingnan ay hindi tama ang pagwa-wiretap ng ibang ­bansa maliban na lamang kung mayroon itong permiso mula sa korte para magamit na ebidensya ang anumang resulta ng imbestigasyon.

“Upon the other hand, if the wiretap was done illegally, it is nothing but the fruit of a poisonous tree. Is the administration admitting to be complicit in the commission of a crime by foreign governments? Is it now a government policy to condone invasion privacy of its own nationals by China, Israel and US?” dagdag pa ng senador.