Tiniyak ng Department of Foreign Affairs nitong Linggo na walang nasaktan o namatay na Pilipino sa humampas na tsunami sa mga baybaying lugar ng Indonesia.

“The Philippine Embassy in Jakarta reporter that so far, none of the 220 members of the Filipino community in the area were among the fatalities or injured due to the tsunami,” ayon sa statement.

Gayunman, patuloy na nakasubaybay ang DFA sa sitwasyon sa Lampung at Banten sa Indonesia kung saan tumama ang tsunami dulot ng pumutok na bulkan noong Sabado nang gabi.

Umabot sa 168 katao ang namatay at higit sa 700 ang sugatan nang bulagain sila ng tsunami dahil sa paggalaw ng lupa sa bulkan ng Krakatoa na nagresulta sa pag-agos ng tubig dagat sa kalupaan.