Mga pinoy pinagdadasal ni Donovan Mitchell

Malayo man at ‘di kalahi, nagpaabot pa rin ng pagmamalasakit si Utah Jazz superstar Donovan Mitchell ng Estados Unidos sa mga nasalanta nang pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas nitong Linggo.

Nasa Twitter account ng UJ guard ang labis na pag-aalala para sa mga Pinoy na naapektuhan ng kalamidad.

“Damn this is wild! ­Praying for the Philippines and everyone affected,” tweet ni @spidadmitchell.

Agad namang nagpasa­lamat ang mga Pinoy fan sa kanyang malasakit at bilang ganti, ­pinagdasal rin ng mga fan ang ­kanyang ­success sa National ­Basketball ­Association.

“This means a lot, Spida! Wishing for Utah’s success since our guy, JC, is there! Btw, your shoes got sold out fast here in the Philippines when it came out!” sey ni @goodguyjoseph.

Susog naman ni sabi naman ni @UTJazzPH: “Thank you Donovan. This tweet means alot to us fans. God bless your kind heart. #TaalPH #taalvolcano eruption2020.”

“Thank you for praying for my country,” pahayag ni @coach_kleeto.
Pinangwakas ni @itsandradealvin, “Thank you for sending prayers to our country, Philippines.” (Aivan Episcope)