Ikinukunsidera ng Department of Health (DOH) ang pagsundo sa mga Filipino worker sa Macau kasunod ng 2019 coronavirus (COVID-19) outbreak.

Sinabi ni Health Assistance Secretary Maria Rosario Vergerie, may mga Pilipino sa Macau ang nagtanong sa gobyerno kung maari ba silang pauwiin sa bansa.

“Ito po ay isang request ng ating mga kababayan sa Macau. So hindi po tayo pumipili kung sino ang dapat,” ayon sa opisyal.

Nabatid na may 10 kumpirmadong kaso ng COVID-19 in the Chinese special administrative region.

Una nang nagpatupad ng travel ban si Pangulong Rodrigo Duterte sa China kung saan nagsimula ang virus at sa Hong Kong at Macau.

Gayuman, makalipas ang isang linggo sinabi ng gobyerno na exempted sa travel ban ang Hong Kong at Macau. (Juliet de Loza-Cudia)