Mga piskal, airport investigator hinasa sa human trafficking

Sumailalim sa pagsasanay ang mga prosecutor at mga imbestigador sa ilalim ng US Department of Justice Office of Overseas Prosecutorial Development, Assistance and Training­ (OPDAT) para mapaghusay ang pag-iimbestiga at pag-usig sa mga kaso ng trafficking in persons.

Katuwang sa nasabing proyekto ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at Philippine Society of Criminologists and Crimi­nal Justice Professionals (PSCCJP).

Partikular na sinanay ang 21 airport investigator na naka-base sa Ninoy Aquino Internatioal Airport (NAIA) at Clark International Airport at 20 piskal na naka-base sa Pampanga.

Tampok sa pagsasanay ang pakikisalamuha sa mga nailigtas na biktima ng trafficking at ang mahusay na pagtatanong sa mga victim witness sa korte.

“As we intensify our fight against human trafficking, these inhumane traffickers innovate to evade apprehension. But, we are more innovative than them. We have partners like OPDAT who equip us with the necessary skills to outwit these perpetrators,” saad ni US Department of Justice Assistant Secretary George Ortha II.

Sa Enero, isusunod namang sasanayin ng OPDAT ang mga hukom para naman sa mga kaso na may kinalaman sa money laundering at iba pang financial crime.