Mga player adik sa cellphone — Iguodala

Mga player adik sa cellphone — Iguodala

Aano ang pinagkakaabalahan ng National Basketball Association players sa kani-kanilang locker rooms kapag halftime break?

Cellphone at social media.

Binuko ni Golden State Warriors forward Andre Iguodala na pagpasok sa dugout ay cellphone na agad ang hawak ng players.

“It’s normal now to go in the locker room, and first thing people do is grab their phones,” pahayag ni Iguodala sa The Breakfast Club nitong Martes. “At halftime. It’s like normal now.”

May missed calls o text kaya?

“I’m lookin’ and dudes are checkin’ Instagram,” dagdag ni Iguodala sa radio show. “Checkin’ their halftime stats.”

Naka-15 seasons na sa NBA si Iguodala, 35. Sapul nang magsimula ang career noong 2004, nabantayan niya ang pag-usad ng liga sa social media. (VE)