Mga player sa liga ni Pacquiao gutom

Namimiligro ngayong kapusin o magutom ang daan-daang manlalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na pag-aari ni Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Ito ay bunsod sa anunsiyo noong Lune ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes 4th o 2020-21 season ng liga dahil sa patuloy pa ring banta ng pandemyang Covid-19.

Kamakailan lamang kasi ay napagpasyahan ng league management na i-postpone ang paparating na 2020-21 Maharlika Pilipinas Basketball League season alinsunod sa protocol ng no-contact sports.

“The 2020-2021 MPBL season is hereby suspended and we will start the next season on June 12, 2021,” saad niya bilang pagtalima ng liga sa protocol ng no-contact sports na pinaiiral ng Inter Agency Task Force (IATF).

Malaking puntos rin ang pagkawala ng coverage partner ng liga ABS-CBN Sports & Action kaya napagpasyahan na lang nilang ikansela ang paparating na liga.

“To make matters worse, ABS-CBN Sports and Action was shut down and contact sports are still not allowed despite the country’s transition to GCQ (general community quarantine),” dagdag pa ni Duremdes.

Napilitan rin ang liga na ipagpaliban muna ang kanilang palaro hangga’t wala pang bakuna sa kumakalat na sakit.

Bagama’t naunsiyami ang paniniwala ng ilan na `ball is life’ ay tiniyak naman ni Duremdes na makakakuha pa rin ng 20% sahod ang mga manlalaro para sa buong taon mula team owners at sa liga.

Tila pangalawang sunod na dagok it okay Pacman na kakaisnab lang sa parehas na linggo bilang Greatest Boxer ng BoxRec, naungusan sa No. 1 post ni rival Floyd Mayweather Jr. ng United States. (Aivan Denzel Episcope)