Nagpatupad ng malawakang balasahan ang Philippine ­National Police sa kanilang mga senior ­official sa ilalim ng pamumuno ni PNP officer in charge Police Lt. General Archie Gamboa.

Ayon kay Gamboa, magreretiro na kasi ang ilang senior ­official ng kapulisan dahilan ng re-assaignment ng mga ito.

Itinalaga si Maj. Gen. ­Amador Corpuz, dating ­director ng ­Criminal Investigation and ­Detection Group (CIDG) ­bilang Director for Directorate ­Human Resource and Doctrine ­Development (DHRDD).

Papalit kay Corpuz si ­dating Police Rional Office (PRO) 3 ­Director Brig. General Joel ­Coronel bilang acting CIDG habang papalit kay Coronel sa PRO 3 si Brig. General ­Leonardo Casneros.

Si DHRDD Director Maj ­General Mariel Magaway ay ­itinalaga bilang Directorate for Intelligence habang si dating PRO 4-B Director Brig Gen ­Tomas Apolinario ay maitatalaga ­bilang Deputy Directorate for Intelligence, habang papalit bilang PRO 4-B Director si Brig. ­General Nicerio Obaob.

Magiging acting Director ­naman ng Highway Patrol Group (HPG) si Brig Gen. Dionardo ­Carlos, kapalit ni Brig Gen ­Eliseo Cruz na maa-assaign sa CIDG habang si Brig Gen. Ferdinand ­Divina ang papalit kay Carlos ­bilang Regional Director ng PRO 8.

Mapupunta naman bilang PRO 5 Deputy Police ­Regional Director for Administration si dating Drug Enforcement Group (DEG) Director Brig Gen. ­Albert Ignatuis Ferro, habang ­papalit naman kay Ferro sa DEG si Col Romeo Caramat na dating hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), habang papalit sa dating puwesto ni Caramat si Col Ronald Lee.

Ang balasahan ay ­aprubado alinsunod sa endorsement ng PNP Senior Officers Placement ang Promotion Board at ng ­National Police Commission ­(Napolcom). (Edwin Balasa)