Mga police chief ng Valenzuela, Caloocan, Marikina binalasa

Kinumpirma kahapon ni National Capital Region P­olice Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Eleazar na pagbalasa sa mga hepe ng pulisya sa Valenzuela City at dalawa pang lungsod sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar, magi-ging acting police chief ng Valenzuela City si Col. Carlito M. Gaces kapalit ni Col. David Poklay na itinalaga naman bilang bagong provincial director ng Tarlac.

Si Col. Restituto B. Arcangel ng Caloocan City ay itinalaga bilang bagong police chief ng Marikina City kapalit ni Col. Redrico Maranan.

Itinalaga si Col. Noel Flores bilang bagong police chief ng Caloocan habang inilipat naman si Maranan bilang provincial director ng Pangasinan.

Pinaliwanag ni Eleazar na ang re-assignment ng mga nasabing opisyal ay resulta ng career advancement program kung saan itinaas ng posisyon ang ilan sa kanilang hanay habang magreretiro naman ang iba. (PNA)