Mga politiko, ASG sabwatan sa kidnapping

abante-tonite-oscar-albayalde-002

Patuloy ang beripikasyon ng Philippine National Police (PNP) sa mga ulat na may ilang politiko ang nakikipagsabwatan sa mga organized crime at mga Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa mga kidnap for ransom upang makalikom ng pondo sa darating na 2019 midterm election.

Ayon kay PNP chief Director Gene­ral Oscar Albayalde na base sa kanilang intelligence report na mayroong ilang politiko sa Mindanao partikular sa Zamboanga at Basilan ang gumagawa ng nasabing iligal na gawain para sa kanilang pondo sa susunod na eleksyon.

“We are continuously validating reports of the active collusion by some local politicians with organized crime groups engaged in kidnapping for ransom, presumably for fund-raising purposes.

Reports of this nature have been monitored in some parts of Mindanao particularly in known areas of operation of kidnapping gangs,” pahayag ni Albayalde.

Ayon kay Albayalde, hindi muna niya pinapangalanan ang mga nasabing politiko dahil ito ay base pa lang sa impormasyon na kailangan pa lang beripikahin.

“These are all based on the intelligence information that we gather. We have not established that there’s collusion, that’s why we need to develop and conduct of case build-up. But sometimes, you just have reason to conclude that there’s collusion there,” paliwa­nag ni Albayalde.

Inamin din ni Albayalde na napakahirap kumuha ng physical evidence sa pagkakasangkot ng mga politiko dahil sa maingat din ang mga ito sa kanilang mga galaw.