Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hari kung umasta ang mga politiko sa Cebu pagkatapos manalo sa eleksyon.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati nang dumalo sa pami­migay ng unconditional cash transfer certificate sa mga benepisyaryo nito sa Cebu City noong Sabado.

“You Cebuanos, this is what I have learned even when I was little. Your politicians act like kings when they win the elections. They do this, do that. They act like royalty,” anang Pangulo.

Hindi pinangalanan ng Pangulo kung sino ang mga politiko na kanyang tinutukoy pero binigyan-diin nito na ang mga tao ang pumipili ng mga lider ng gobyerno.

“Hoy, you’re insane. Philippines is a democratic country. The leaders here are chosen by the people,” dagdag pa ng Pangulo.