Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na bilisan na ang proseso ng pag- accredit sa mga private laboratories para magamit bilang coronavirus testing center sa layunin na mas marami pang makober sa target na mass testing.
Ayon kay Robredo maaari din na magamit ang mga private company at educational institution gaya ng University of the Philippines (UP) para makatulong sa ginagawang accreditation process sa halip na ang kikilos lamang ay ang Department of Heath (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
“Sinasabi nila ang dami namang eksperto na puwede nang tumulong mag-accredit.Kung sino pa iyong marunong sana pagtulong-tulungan na iyong accreditation kasi kailan pa ba tayo magdadagdag”paliwanag ni Robredo.
Nasa 30,000 na test ang target ng DOH kada araw subalit bigo itong maisagawa, ani Robredo, kung mas maraming testing centers ang mangangasiwa nito ay mas maraming ang masusuri laban sa COVID 19.
Sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang na 42 accredited laboratory na mayroong kakayahan na sumuri sa coronavirus habang 34 ang polymerase reaction facilities (PCR) at 8 GeneXpert laboratory.
“Mabagal kasi kakaunti pa lang so dapat bilisan iyong pag-accredit. Kung kakaunti silang nag-a-accredit, bakit hindi payagan iyong private na tumulong mag-accredit”giit pa ni VP.
Una nang ipinanawagan ni Robredo ang mabilisang mass testing upang malaman ng publiko ang tunay na sitwasyon ng bansa sa cornavirus pandemic sa harap na rin ng pagpapairal na ng general community quarantine sa Hunyo 1. (Tina Mendoza)