Nakatakdang manumpa nga-yong hapon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 40 mga bagong promote na pro-secutors kasama ang iba pang bagong appointees sa gobyerno sa isang mass oath taking sa Malacañang.
Kasama rin sa mga manunumpa sa Pangulo ang mga bagong hirang na opisyal ng Department of Education sa division level.
Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ng mga bagong promote na opisyal noong Mayo 22.
Kabilang sa mga manunumpa sa Pangulo ngayong hapon sa Malacañang ay sina Jose Emmanuel Jabido bilang Associate City Prosecutor sa Koronadal City; Clara Aberia Baquilod bilang assistant pro-secutor sa lalawigan ng Leyte; Renato Abastillas Jr., Assistant City prosecutor sa Quezon City; Laurence Joel Matias Taliping, bilang Deputy City Prosecutor sa Marikina City at iba pa.
Kasama ring manunumpa sa harap ng Presidente ang bagong hirang na mga heneral at Flag Officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang na dito si Gen. Benjamin R. Madrigal Jr. (Aileen Taliping)