Nakatakda nang isalang sa pagsusuri sa COVID-19 ang mga pulis na nakatalaga sa Marikina.

Ang nasabing hakbang ayon na rin kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Debold Sinas, ay para malaman kung tinamaan na ang mga pulis ng coronavirus na nagsisilbing mga frontliner.

Uunahin aniyang eeksaminin ang mga nakatalaga at nagmamandong awtoridad sa checkpoint.

Ang nasabing pulis-Marikina ay sasailalim sa COVID test sa Marikina molecular laboratory testing facility.

Maging ang 100 pulis mula sa NCRPO ay sasailalim sa nasabing pagsusuri.