Naka-quarantine ngayon ang mga pulis at iba pang nakasalamuha ng dalawang tumakas na pasyente ng COVID-19 sa Delpan Quarantine Facility sa Tondo, Maynila.

Nag-ugat ang insidente nang tumakas sa Sta. Ana police detention facility ang mga bilanggong naka-quarantine.

Kinilala itong sina Cesar Adriatico, sabit sa illegal drugs at Jeric Saballon na nahaharap naman sa kasong child abuse.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Chief Rolando Miranda, na bagamat kailangan nila ngayon ng kapulisan ay kinailangan din nilang ipasailalim sa quarantine ang kanilang mga miyembro upang maprotektahan di lamang ang kanilang kalusugan kundi maging ng iba pa nilang miyembro.

Bukod dito ay nakaantabay din sila sa iba pang kaanak na nakasama ng tumakas na COVID positive upang masigurong hindi nahawaan ang mga ito.