Mga pulis sa Negros Occidental nag-rally kontra NPA

Nagsagawa ng rally ang mga police station sa Negros Occidental para kondenahin ang mga karahasan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Kabilang sa mga lumahok sa nasabing rally ay ang mga police personnel mula sa munsipalidad ng Murcia, Moises Padilla, Isabela, San Enrique, Binalbagan, Candoni, Toboso. Gayundin ang mga lungsod ng Kabankalan, Himamaylan, Bago, Cadiz, Tali­say at Victorias.

Ayon kay Maj. Edison Garcia, public information officer ng Negros Occidental Police Provincial Office, nagsimula ang rally noong Lunes at sinundan noong Martes na ginanap sa municipal gymnasium.

Bukod aniya sa mga pulis, kalahok din sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng mga anti-communist group, local government unit, national government agency at ilang non-governmental organization.

Nabatid na kabilang din ang CPP-NPA sa listahan ng mga terrorist organization ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand. (PNA)