‘Di na lingid sa atin ang sakit na diabetes. Bukod sa batid nating isa itong mapanganib na karamdaman na nagdudulot ng maraming komplikasyon at disability ay nauuwi rin ito sa kamatayan kapag napabayaan o hindi agad nakontrol.

Kung gusto ninyong makaiwas sa sakit na ito’y narito ang ilang listahan ng mga puwedeng kainin:

Carbohydrates

Ang carbohydrates tulad ng kanin, tinapay at spaghetti ay nagbibigay ng lakas sa atin. Ngunit pinapataas nito ang ating blood sugar. May mga carbohydrates na mas mainam para sa may diabetes. Ito ay ang brown rice, wheat bread at spaghetti.

Protina at karne

Piliin ang karneng hindi gaanong mataba. Tanggalin ang mga nakikitang taba sa baboy at baka bago ito lutuin. Mas piliin ang mga protinang galing sa gulay tulad ng tofu, tokwa at beans. Ang manok at turkey ay mas healthy kumpara sa baboy at baka.

Gulay at prutas

Karamihan ng gulay at prutas ay mataas sa fiber, bitamina at minerals. Sa bawat araw, kumain tayo ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas. Puwedeng mas marami ang kainin ng mga ­lalake at matatangkad na tao, at mas konti naman ang kainin ng mga babae at bata. (ME)

Credit: Doc Willie Ong