Dahil ‘ber’ months na mga besh, are you ready to plan or to shop for your Christmas gifts and give aways?
Bago pa mag-panic sa Christmas rush, bakit hindi natin subukang pagplanuhin o pag-isipan na habang maaga pa kung anong puwede nating ibigay sa ating family, relatives, inaanak, friends or officemates?
Narito ang ilan:
Para sa working mommy: Perfumes, clothes, makeup or lipstick.
Kay daddy: polo shirt, socks, wallets – depende sa kanilang hilig ganundin sa mga sisters and brothers kaya habang maaga pa, kung may makitang sale ay bilhin na.
Sa kids or inaanak: Puwedeng clothes or toys (educational) but since mahirap hulaan what kids like nowadays, kung super-close din lang kayo sa kanila ay better na ask them na lang what they like. ‘Yung iba kasi mas type nilang bigyan ng load or cash.
For Kikay friends: Puwedeng customized kikay kit gaya ng cellphone pouch, blush, lipstick, lipgloss – again depende rin sa kanilang hilig.
Para sa minamahal: Puwedeng couple shirts or personalized item, etc. Samahan na lang ng hugs and kisses.
For business contacts: Customized planners for the year ahead plus whatever na alam mong kakailanganin nila.
For suppliers: T-shirt, mugs or food like ham, keso de bola, fruitcake or gift checks.
Sa employees: Groceries, gift checks or cash para may extrang panggastos for the holiday season.
Neighbors: Puwedeng food trays during Christmas eve, assorted or whole tray of baked mac, spaghetti, lasagna, salad or cooked ulam para may dagdag na pagsasaluhan ang buong pamilya.