Mga raliyista sa HK binomba ng tear gas

Mga raliyista sa HK binomba ng tear gas

Pinaulanan ng tear gas ng mga pulis ang libo-libong raliyista sa Hong Kong pero hindi pa rin natigil ang kilos-protesta ng mga ito dahil lumilipat lang sa ibang lugar ang mga ito para ipagpatuloy ang kanilang demonstrasyon.

Una nang nagbabala si Hong Kong Chief Exe­cutive Carrie Lam na tinutulak ng mga rali­yista sa mapanganib na sitwasyon ang kanilang siyudad dahil sa patuloy na mga kilos-protesta at nagbabala na maaapektuhan nito ang ekonomiya.

Gayunman, nanatiling matatag si Lam sa kanyang posisyon at binasura ang pana­wagan ng mga rali­yista na magbitiw siya at sinabing kailangang mapanatili ang law and order sa Hong Kong.

Sinabi pa ni Lam na sumosobra na ang mga raliyista na ang unang hinihingi ay ibasura ang extradition bill.