Maglulunsad ng bagong proyekto ang Philippine National Police (PNP) para masugpo ang mga salot na riding-in-tandem na gumagawa ng iba’t ibang klase ng krimen.
Ito ang inihayag ni PNP chief Director General Oscar Albayalde at ilulunsad ito ng PNP pagkatapos ng May 14 Barangay at SK election.
“May pinaplano na kami dyan to address the riding-in-tandem beside doon sa pinaigting nating oplan sita and checkpoint operation, After barangay at SK election may ila-launch na bagong project para ma-double o ma-address ‘yung riding-in-tandem incidents as of this time ang importante ang oplan sita natin, police visibility at check point operation,” saad ni Albayalde.